Ang Pilipino ay walang karapantan tawaging asiano maliban sa kanyang lokasyon, dahil hindi katulad ng mga kapitbahay na bansa kagaya ng Hapon, Insik at Koreano... Sa nangyari sa Japan trahedya dulot ng lindol, tsunami at nuklear. Hinahangaan sila ng international community sa kanilang pinakikitang katangian. Malayo sila sa mga nasaksihan nating mga bansa na nakaranas ng trahedya kung saan mayroon nakawan, kaguluhan at pagkanya-kanya. Sila ay maayos na bumabangon. Makikita na disiplinado at maayos silang nakapila sa mga hospital, ahensya ng gobyerno, at gasoline station, maging sa supermarket para bumili ng pag kain at inumin. di sila bumimili ng mahigit sa kanilang kailangan dahil iniisip nila ang iba. Nakakamangha din ang kanilang kalinisan at kaayusan sa mga evacuation centers makikita ang kalinisan, kaayusan at pagiging kapwa tao, walang sino man sumakop ng lugar na higit sa iba para matulugan, inaalis nila ang kanilang mga sapatos para manatili ang ang kalinisan, hinahati nila ang pagkain ayon sa pangangailangan.
Wow! Hindi sila timawa o makasarili hindi rin sila salaula o dugyot. Sa kabaligtaran at sa nangyayari sa Pilipinas madalas makikita ang kawalan ng disiplina at pagiging makasarili at lalo na ang pagiging dugyot. Kinikilala ng buong mundo ang katangian ng mga kapitbahay na asiano habang nilalapastangan ang Pilipinas. Ang tawag sa Pilipinas "nation of whores" sabi ni Corolla "nation of slave" ayon kay Chip Tsao maliban pa sa mga kung saan nabibilang ang bansa kagaya ng "Fourth Most Corrupt Country in Asia and Second Most Dangerous Place in the World for journalism next to Iraq. Madalas nagtatanong ako bakit ang Pilipinas ay hindi katulad ng ibang asiano? Bakit nga ba dapat hinahalintulad ang Pilipinas sa kapitbahay na bansa, ang Pilipinas ay may sariling pagkakakilanlan at galing. Ang tanong saan magaling at ano pagkakilala?

No comments:
Post a Comment